Nakakaburat ang buhay dito, kaya minsan maghapon na lamang ako na nasa computer. It's either nageedit ng pictures namin ni Thet, naglalaro ng games o di kaya'y nagsusurf sa net ng kung ano-anong kapornohan. At sa araw- araw na ginawa ng diyos, log in - log out ako sa aking friendster account. Hindi matalo ng powers ko ang hindi kalimutan tignan kung sinu ba ang nagvu-view sa profile ko? o tignan kung may bagong message sa guestlist ng
wedding announcer site namin. Hayyy buhay sa america parang paulit ulit na lang ang routine. At dahil dyan sa pagbababad ko sa computer minsan napapadpad ako sa kung saan saang forum. May mga taeng filipino na kung akala mo kung sinung tore na napakataas ng tingin sa sarili nila sa mga forum sites. Englisan ang tirada, pero minsan nagkakamali ako syempre dahil di naman tayo perpektong tao na ang alam lahat. Kaunting kamalian sa pagtatype o sabihin natin grammar sa ingles ay lalaitin na at iinsultuhin ang buo mong pagkatao dahil lang duon. Bakit ang pinoy masyadong mataas ang standard sa english samantalang ang sarili nilang lengwahe ay hindi nila maitama? Kung pwede ko lang batukan yung mga ganitong tao, babatukan ko talaga hanggang lumagapak sa lupa ang mukha nya.
hahahaha... ur so right.. about this!!!! puchang grammar yan... hahaha